Monday, December 27, 2010
Carlos Jordan (Hordan)
Ito ay tungkol sa isang binatang tanging inasam lang ay ang mahanap ang kanyang minamahal.... sa internet.
Si Carlos ay isang 2nd year College student. Ang kurso niya ay BS Education major in English kaya masasabi mong isa siyang normal na kolehiyolo(?). Simple lang ang buhay niya, gigising ng alas-sais ng umaga, kakamot sa kung saan makati, kakain, babyahe, papasok, sasama sa mga barkada, uuwi, repeat 5x. Ngunit isang pagkakataon, napapaghalataan na ng mga kaibigan niya na siya lang ang walang syota. May itsura naman siya. Matangkad. Pero di nya talaga matanto kung may sumpa ba siya ni Vladimir. Sa isang banda, torpe siya. Isa pa, mahirap siya mahulog sa isang babae. Di niya alam kung binabae ba siya o talagang naging ideal girl nya lang si Yoona ng SNSD sa kakapakinig dito. Minsan nag Garena siya, wala pang kalaro, alt-tab, facebook.com, login. Dito nagsimula ang lahat.
Tiningnan niya ang profile ng kaibigan niya, may nag wall post. Eh sa may pagkastalker tong si Carlos, tiningnan niya ito. Then BAAAM! Kung may love at first sight man, ito na siguro yon. Tapos. Tapos. Wala, inadd niya lang, ang Prof Pic eh with her BF, alt-tab, nag Mirana at nagdota.
Pero, kontinente nga naghihiwalay eh. :)
Saturday, December 25, 2010
Numeriano "Ka Arman" Sumulong
Patras: Ang Dakilang Aso ni MangBigBoyBabyBoy
Thursday, December 23, 2010
Vladimir Potrivlaski
Kahit magtungo kayo ng
Ako: “Hmm Miss? Anong kurso mo?
Girl: “History po, bakit po?
Ako: “Itatanong ko lang po kung kilala mo si Vladimir Potrivlaski?
*Agad-agad akong tiningnan ng masama ng babaeng nakasalamin, at napabuntong hininga at umalis, tila meron silang masamang nakaraan ni Vladimir Potrivlaski o sadyang hindi niya lang kilala ang nasabing pilantropo.*
Ako: Sayang Maganda at sexy ka pa naman. XD
*napatingin ang babae sakin habang paalis, nasa langit na ba ako?*
BWENO:
Hindi ko inaasahan na, sa kahabaan lang pala ng Kalaw ako makakahanap ng libro tungkol kay Potrivlaski. Tinanong ko kung magkano?, sinagot niya ako ng trenta. At akoy napasimangot dahil sa mejo kamahalan ng nasabing aklat. Binasa ko nalang ang Preface at Critics ng libro sa may bandang unahan at likuran. “Sa ala-ala ng mahusay na tao na nagngangalang Vladimir Potrivlaski” teka nakakaabala ng concentration ang soundtrip ni manong na I DON’T CARE EHH EHH EHHE EHH, napilitan akong kunin ang Libro, marahil strategy ito ng matandang lalaki para sapilitan mo itong bilhin.
Hindi ko inaasahan na ang title ng Libro ay Ala-Ala ni Vladimir Potrivlaski by Yoyoy Reviilame. Hindi ako makapaniwala na siya ang kauna-unahang tao na marunong ng pitong lingwahe kasama na dito ang French, espanyol, mandarin, Arabic, Niponggo, English ATBP. Hindi ko alam kung bakit tagalog ang Libro. Siya ay Half Ruso Half African full grown Negro. Nung kabataan ni Potrivlaski, siyay nagaral sa pransya at nagging kaklase nya si Vladimir Koslov na ngayon ay isang Wrestler na ng WWE. Sa Pilipinas pala siya nagkolehiyo. Sa maniwala kayo at sa hindi, siya ang exchange Student ni Rizal noong panahon ng Kastila. Dala dala ang isang maleta at tatlong dolyar. Pinilit niyang magtapos sa UST ng kursong BS Sanitary Engineering Major in Waste Management at kinuha ng US Navy Fleet pagkatapos nitong iligtas ang Pilipinas sa Kamay ng mga mananakop. Nagtrabaho siyang Janitor sa
Tuesday, December 21, 2010
Walden Berto
Alam natin na si Arnold Schwarzenegger ang pinaka-unang taong nakatapak sa Moon. Alam din natin na si Manny Pangilinan ang nag-sulat ng Gettysburg address. Mas lalong alam natin na na test tube baby si Caesar.
Masaya na marami tayong nalalamang bagay.
Malungkot na ang alam natin ay yung mga bagay na trivial, subalit inosente tayo doon sa mga esensyal.
Sumakay ka sa G-liner at itanong mo sa mga naka-upo, naka-tayo at naka-tanghod sa bintana kung sino si Walden Berto, ang dakilang si Walden Berto at pihadong mapan-libak na titig ang isasagot nila sa'yo, tipong sinasabi na: "Sino ba 'tong putanginang siraulo na 'to?" Alam mo kung bakit ganon? Kasi nga, sino bang nasa matinong pag-iisip ang sasakay sa G-Liner at ipagtatanong sa mga nakasakay dun kung sino si Walden Berto. Wala.
Sino si Walden Berto? Siya ang kauna-unahan at nag i-isang Tao na naka-hijack ng nuclear powered submarine—na pag-aari ng Trinidad and Tobago—at ginawa niya ang karumal-dumal na aktong ito habang naka submerge ang submarine at sa katubigan pa ng Alaska! Walang depinidong dahilan kung bakit hinayjack ni Walden Berto ang naturang submarine, pero may mga teoryang lumitaw na marahil isang Propeta si Walden Berto na nag-pilgrimage sa Alaska. Habang nag hu-hunting daw ito ng makakain na polar bear ay saktong namataan niya ang papalubog nang submarine, hindi na sana ito papansinin ni Walden Berto subalit nakita niya na ang pangalan ng naturang submarine ay PETER.
Inakala ni Walden Berto na ito's isang senyal mula sa langit kaya agad niyang sinunggaban ang submarine.
Matthew 16:18: "You are Peter, and on this rock I will build my Church."
Archibald Bingot alyas Baldong Sahod
Dalawa lang sa kasaysayan ang humigit kung hindi man ay pumantay sa gilas, tikas, galing at angas ni Michael Jordan sa larangan ng Basketball—si Michael Jordan mismo at si...Archibald Bingot alyas Baldong Sahod.
Si Archibald Bingot ay ninuno ng mga dakilang basketbolero ng Team Pilipinas na sila Asi Taulava at Eric Menk at pinsan naman ni Michael Olowakandi ng NBA. Ipinanganak siya sa maalamat na barangay ng Napindan, natuto siyang mag-basketball sa edad na 5 taong gulang, nakakapag-dunk na siya pagtungtong sa grade 5 at nag-simulang mang-gulang (mandaya) sa edad na 13. Maraming espekulasyon kung bakit hindi siya nakapasok sa NBA: Una, dahil mas pinili niyang maging gerilya at humawak ng armas para sa kalayaan ng bayan. Pangalawa, kinidnap siya ng mga alien at pinagbantaang kung susubukan niyang Mag-NBA ay i ma-masaker nila ang pamilya nito kasama na ang alaga niyang chihuahua na si giant. Dagdag pa ng mga alien, "turuan mo na lang mag-basketball si Sam Cassell!" At Pangatlo, dahil naadik daw ito sa video karera kaya nawala ang galing niyang magbasketball. Ngayon, 90 anyos na si lolo Archibald at kasalukuyan siyang trainer ng mga Boksingero sa Wild Card Gym. Minsan ay suma-sideline din siya bilang referee sa mga ligang ini-sponsoran ni SK Chairman Osmond Boso.
*Breaking news: Isinugod daw po si Archibald Bingot sa ICU ng isang sikat na ospital sa Makati dahil napagkamalan nitong tubig ang silver cleaner.
Tiyoding Pitik
Si Tiyoding Pitik naman ay bantog sa hanay ng mga hired assassin. Isa siyang bayarang mamamatay tao, hindi na mabilang ang mga nilalang na na i-tumba niya. Ang paborito niyang armas ay ang Pilot ballpen na ibinabad sa laway ng salamander at pinausukan sa bunganga ng Mt. Hibok-hibok—wala pang kahit isang tao ang nakaligtas sa sandatang ito. Ngunit sa kabila ng pagiging tampalasan, paminsan-minsan ay gumagawa din siya ng kabutihan, pagpapatunay lang sa kasabihan na "taal sa isang tao ang pagiging mabaiti" — noong nakaraang pasko ay nag-costume siya bilang Rudolph at namahagi ng mga regalo (Marlboro Red, Black Bat, Winston) mula sa kinita niya sa pagpatay sa isang sikat na Drug Lord. Noon namang Halloween, namahagi siya ng hard-boiled-eggs na binudburan ng MSG sa shell para sumarap. Gustong-gusto naman ito ng mga manginginom sa kanto ng bahay niya na tatlong oras pumila para sa espesyal na pulutan.
*Sa kasalukuyan sinasabing nakakulong si Tiyoding Pitik sa bilibid dahil sumablay siya sa kanyang huling operasyon: I a-assassinate niya sana ang isang Congressman na may 7 kabit, nagpanggap siyang body guard nito, pero nong mga sandaling itatarak na niya ang ballpen sa balun-balunan ng congressman e hindi inaasahang hindi ito bumaon. Mapurol na pala ang dulo nito dahil matagal nang hindi napapa-usukan sa Mt. Hibok-hibok. Nagulantang ang kongresista sa naganap. Agad namang umaksiyon ang mga totoong bodyguard nito at dinampot si Tiyoding Pitik.
*Sa kasalukuyang-kasalukuyan, ipapalipat daw si Tiyoding Pitik sa Alcatraz Prison dahil ilang beses na itong nakakatakas sa bilibid.